
Mga kagamitan na kakailanganin:
1. Furnace
2. Coal
3. Raw Meats
4. Crafting Table
5. Cobblestone
6. Wood Planks
7. Pickaxe
Unang Hakbang Kailangan mong kumuha ng Wood planks mula sa puno at gawin itong Crafting Table. Gumawa ka ng Wooden Pickaxe upang makapag mina ka ng Cobblestone.
Ikalawang hakbang Gumawa ka naman ng Stone Pickaxe at Furnace mula sa nakuha mong mga Cobblestone upang makapag mina ka na ng mga Coal.
Ikatlong hakbang Ilagay ang mga Coal sa Furnace. Mumuha ka narin ng mga Raw Meats na nais mong lutuin upang mailagay mo narin ito sa Furnace.
Ikaapat na hakbang Matapos mong ilagay ang Coal at Raw Meats sa Furnace ikaw ay mag hihintay ng ilang segundo upang maluto ito. Pagkatapos maluto ng Raw Meats pwede mo na itong kainin.