GULAY AT PRUTAS ATING KAININ

Isinulat ni: Wendy Dacanay

Masustansiyang pagkain laging ihain

Upang maging malusog at hindi sakitin

Gulay at prutas sadyang kailangan natin

Kaya dapat lang na ito’y ating kainin

Ikaw ba’y sakitin, ikaw ba’y mahina?

Sa panahon ngayon di yan problema

Basta masustansiyang pagkain kumain ka

Lulusog ka na lalakas ka pa.

Mga karamdaman?

Di yan nating kayang iwasan

Kung tayo’y pabaya at walang pakailam!

Sa pagkain ng junk foods magdahan-dahan

         Pagkain ng gulay at prutas

Pag-inom ng tubig at gatas

Tamang nutrisyon ay ating makukuha

Kalusugan ay pagkaingatan

Sadyang mahalaga ang kalusugan

Kaya dapat nating alagaan

Magkaroon ng disiplina

Pagkain ng gulay at prutas laging isa-alang-alang

Kaya laging tandaan ang pagkain ng wasto

Tama at sapat ay nagpapakita ng

malusog na pangangatawan.

Leave a comment

Create your own website, free on WordPress.com.Create your own website.
Start free