Isinulat ni: Hannah Cabigting
Totoo. Oo, totoo. Masarap, masarap ngang isipin na sa paggising mo sa umaga may nakahain ng pagkain sa lamesa, masarap ngang pag-uwi mo galing sa eskuwela maamoy mo na ang halimuyak na nanggaling sa putaheng inuluto ng iyong ina, masarap rin matutulog ka sa gabi ng may ngiti sa labi dahil busog kayo pamilya ngunit mas lalo kundi pati na rin sa punong puno ng pagmamahal kaya’t kahit di gaanong kamahalan ang nasa hapag at hindi ito ang paborito mong ulam may puso ritong nagpapasarap.
Isa sa mga natutunan ko pagnagluluto ang nanay ko ng kahit anong pagkain, mapaulam man yan o kahit sa kanin, mapadisert man yan o kahit anong inumin kailangang ibuhos mo ang isang daang porsyentong pagmamahal mo rito dahil ito raw ang sikreto upang malasahan ng kahit sinong titikim ang sarap ng luto mo. Hindi sapat na may kalidad ang mga sangkap, hindi rin sapat na baboy at manok ang ‘main dish’ at hindi gulay at isda. At mas lalong hindi sapat ang rason na mahal ang presyo kaya’t masarap dahil gaya nga ng sinabi ko walang pantapat sa ang lahat ng ito sa isang puso nagmamahal na kasiyahan lamang ang hanap.