Isinulat ni: Eul Tracy Delos Reyes
Gulay, isa sa mga pagkaing sinasabing pampahaba ng buhay, pero bakit ang importante ay palaging isinasantabi, pinapabayaan sa plato ay laging iniiwan kahit alam nilang ito ay pinaghihirapan para sa mga nangangailangan.
Kadalasan ang kabataan ang may ayaw nito sila ang sinasabing pag-asa ng bayan pero hindi nila makita ang importansya at halaga ng gulay sa buhay ng isang tao.
Ang gulay ay mahalaga kaysa sa karne at titserya, kaya dapat nating kainin kahit hindi natin trip ang lasa. Dahil ito parin ay pinaghirapan at inalagaan para maging masustansya.
Huwag tayong mag-aksaya, lalo na yung mhga pagkaing kailangan talaga.